64

Jun 17, 2021 @ 12:14
By

Manila kasama sa ‘champion city’ ng Bloomberg

Nagalak si Manila Mayor Isko Moreno na napabilang ang kanyang pinamumunuang lungsod sa Bloomberg Philanthropies’ 50 Champion City.

Ang Manila City ay isa sa walong siyudad sa Asia-Pacific region na napabilang sa huling round para sa 2021 Global Mayors Challenge.

Ang naturang kompetisyon ay para kilalanin ang mga lungsod na may magaganda at innovative na idea para tugunan ang COVID-19 pandemic.

“On behalf of the more than two million residents of the City of Manila and indeed on behalf of every Filipino wherever they are in the Philippines or around the world for whom their national capital occupies an outsize role in their hearts and minds, we are hugely honored that Manila has been named as one of 50 select Champion Cities for the Bloomberg Philanthropies 2021 Global Mayor’s Challenge,” ayon kay Moreno.

Dadaan pa sa huling bahagi ng kompetisyon ang Manila kung saan dapat nilang pagandahin pa ang kanilang mga proposal at tatakbo ito mula Hunyo hanggang Oktubre.

15 siyudad lang ang pipiliin para magwagi ng $1M grand prize at multi-year technical assistance sa kanilang proposal na ilalatag sa Bloomberg.

Ang ideya na hinandog ng Manila LGU ay ang ‘Go Manila’, na naglalayong bigyan ng digital data infrastructure ang mga Manilenyo para sa “digital education, engagement, analytics, and opportunity while improving policies and programs for good governance.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?