88

Nov 11, 2020 @ 21:17
By

Manila judge na binaril sa city hall pumanaw

Pumanaw ang hukom sa Manila Regional Trial Court na binaril umano ng sarili niyang clerk of court.

Ayon kay Police Major Rosalino Ibay, hepe ng Manila Police District’s Special Mayor’s Reaction Team, dineklara ng mga doktor mula sa Medical Center Manila na patay na si Judge Ma. Theresa Abadilla, 44, alas-3:15 ng hapon, Nov. 11.

Suspek ng mga pulis ang sariling clerk of court ni Judge Abadilla na si lawyer Amador Rebato, 42, na nagpakamatay umano matapos niyang barilin ang una sa loob ng opisina nito sa Manila City Hall, Miyerkoles ng hapon.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?