112

Oct 12, 2019 @ 19:27
By

Manila-Japan flights kanselado dahil sa bagyong Hagibis

Nadagdagan pa ang mga airline na nag-anunsiyo ng kanselasyon ng kanilang Manila-Japan flights nitong Sabado dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Hagibis sa Japan.

Batay sa tala ng Manila International Airport Authority, nasa 27 flights na ng Japan-Philippines flights ang kanselado.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

· Japan Airlines (JL) 746, 742, 745 Manila-Narita

· Jetstar Japan (GK) 40 Manila-Narita

· Delta Airlines (DL) 180/181 Manila-Narita-Manila

Nauna nang nag-abiso ng Japan flights cancellation ang Philippine Airlines at Cebu Pacific na naka-iskedyul ngayong Sabado.

Lahat ng Nippon Airways (NH) flights 820/819 Manila-Narita-Manila, at NH 870/869 Manila-Haneda-Manila ay kinansela rin.

Samantala, kinansela na rin ang flights sa Linggo:

· PR 423 Tokyo Haneda-Manila

· PR 431 Tokyo Narita-Manila

· NH 819/820 Narita-Manila-Narita

· NH 869/870 Haneda-Manila-Haneda

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?