67

Jun 22, 2022 @ 19:34
By

Manila Film Fest scam pinaalala kay Lolit Solis

Halos tatlong dekada na ang lumipas nang mangyari ang Manila Film Festival scam na gumimbal sa Philippine entertainment industry.

Inurirat ang showbiz columnist na si Lolit Solis tungkol sa naturang scam taong 1994 na pakana niya.

Sa naturang scam nagmula ang sikat na linyang “Take It! Take It”.

Ang totoo kasing nanalo noon bilang Best Actress at Best Actor ay sina Aiko Melendez at Edu Manzano ngunit ang inanunsyo ay sina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion.

Si Miss Mauritius 1994 Viveka Babajee ang nag-announce sa pangalan ni Ruffa, kung saan makikita sa video ang hindi makapaniwalang mukha ni Gretchen Barretto dahil nakita niyang ibang pangalan ang nakasulat sa papel na naglalaman ng best-actress winner.

Maririnig na sinabi ni Viveka kay Rocky Gutierrez ang mga katagang “Take It! Take It!” patungkol sa papel.

Nabanggit muli kay Lolit ang tungkol dito dahil nag-28th anniversary ang scam nitong June 22.

“Twenty-eight years na ‘yun parang kelan lang. Sa isip ko, parang five years ago pa lang,” saad ni Lolit sa PEP.ph report.

Inamin ni Lolit na galit na galit siya noon kay Gretchen pero ngayon ay nagkaayos na sila dahil may mabuting puso aniya ang aktres.

Binanggit niya ang mga love box na pinamigay ni La Greta nitong pandemya.

“Nung time na ‘yun, galit ako kay Gretchen. Ano ‘yun eh… Actually, alam mo si Gretchen, kikay lang pero pag-aanuhin mo, soft-hearted,” sambit pa ng showbiz columnist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?