9

Sep 17, 2020 @ 19:14
By

Manila dumulas sa Smart City Index

Sampung baitang ang ibinaba ng Maynila sa Smart City Index ngayong 2020.

Mula sa dating 94th noong 2019 ay pumuwesto ito sa 104th.

Ikalima na ang Maynila sa bottom five sa may 109 na bansa.

Dahil dito, bumagsak din ang rating ng Maynila sa pinakamababang D mula sa C noong nakaraang taon.

Batay iyon sa 2020 Smart City Index ng Institute for Management Development sa pakikipagtulungan sa Singapore University for Technology and Design sa survey na isinagawa ng Abril at Mayo, kung kailan nasa peak ang mga coronavirus lockdown.

Iniraranggo sa Smart City Index ang mga siyudad sa buong mundo batay sa kanilang economic at technological data pati na ang pang-unawa ng kanilang mamamayan kung gaano ka-smart ang kanilang lungsod.

Tinanong ang daan-daang mamamayan mula sa 109 lungsod sa mundo tungkol sa technological provision ng kanilang siyudad pagdating sa health and safety, mobility, activities, opportunities, at governance.

Nanguna sa listahan ang Singapore, Helsinki (Finland) at Zurich (Switzerland).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?