49

By

Manila ‘dead city’ sa susunod na 25 taon – Duterte

Sharing is caring!

Wala na umanong pag-asang maibalik ang dating ganda ng Manila at unti-unting mabubulok hanggang maging “dead city”sa susunod na 25 taon.

Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos makita ang potensiyal ng Clark Freeport Zone sa Pampanga sa pagdalo sa Kapampangan Food Festival.

Ayon sa Pangulo, masikip at masyado ng maraming tao sa Metro Manila bukod pa sa araw araw na matinding ttaffic na nararanasan ng publiko.

Kailangan na aniyang limitahan ang mga pabrika at sa loob ng 10 taon wala ng option para sa mga industriya kaya maaring ikunsiderang magtayo ng mga negosyo sa Clark, Batangas o Cavite.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan ang mass transport at magdagdag ng mga kalsada para sa mabilis na biyahe ng publiko.

“Manila I think will be in about 25 years will be a dead city. It will start to decay and there is no way that we can rehab the place.

Manila is no longer an option for industries. We have to go to the provinces. But the most important thing is there has to be a transport, whether mass or if there are too many cars, then we have to expand the highways,” ang pahayag ng Pangulo.

Kinilala ng Presidente ang Clark bilang isa sa mga pinakamahalagang destinasyon ngayon sa bansa kayat irerekomenda niya sa mga investors na magtungo sa Clark para doon magtayo ng mga negosyo dahil sa malawak at malaking lupain nito.

“Kung may magpunta sa amin, easily I would say “go to Clark”. And you have all the amenities of what a kind of site you’ll have in flat lands and the resources are also there,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?