39

Oct 9, 2017 @ 12:25

Manila cops pabor sa body cam

Sumang-asyon ang Manila police sa pagpapagamit ng body camera o bodycam sa kanilang mga operatiba na nagsasagawa ng operasyon  patungkol sa kampanya laban sa bawal na droga.

Ayon kay Senior Supt. Danilo Macerin, chief of staff n MPD, layon nito na maging transparent ang pulisya sa  pagdodokumento  ng bawat operation.

Sinabi ni Macerin na maaaring kunin ng mga station commander ang pondo sa operational fund ng bawat istasyon.

Naniniwala si Macerin na malaki ang maitutulong ng paggamit ng bodycam upang patunayan na mga suspek na unang nagpapaputok ng baril at nanlalaban.

Ang bodycam sa Maynila ay unang ginamit ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau laban sa mga lumalabag sa batas trapiko, mga nanunuhol at tiwaling traffic enforcers. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?