32

By

Manila concert ni Sting, kanselado

Hindi na matutuloy ang concert sa bansa ni Rock legend Sting sa October 2 dahil kinansela na ito.

Ayon sa anunsiyo ng Ovation Productions, isa sa producers ng show, ito ay dahil sa scheduling conflicts.

“We regretfully announce that Sting’s concert scheduled for October 2, 2019 at the Smart Araneta Coliseum is unfortunately canceled due to scheduling conflicts,” sabi sa Facebook post ng Ovation Productions.

“We apologize for any inconvenience caused by this development and know that Sting hopes to return to Manila soon to perform for his fans,” dagdag pa nito.

Samantala, wala pang detalyeng nilabas tungkol sa ticket refund.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?