159

Nov 27, 2017 @ 9:09

Manila Clasico, Game of the Season ng PBA Press Corps

Sa unang pagkaka­taon, magkakaroon ang PBA Press Corps ng Game of the Season ho­nors sa 24th Annual­ Awards Night sa Huwebes, Nov. 30 sa Gloria Maris Restaurant sa loob ng Gateway Mall.

Napili ng mga sportswriter na kumokober ng PBA ang ‘Manila Cla­sico’ ng Ginebra at Star sa season-ending Governors’ Cup bilang first recipient ng award na kumikilala sa pinaka-memo­rable at magarang laro sa 42nd (2016-17) season.

Nangyari ang giyera sa elims noong Sept. 13 sa Smart Araneta Coliseum, wagi sa overtime ang Gin Kings 105-101 pagkaraan ng 29 lead changes at 16 deadlocks.

Dinala ni import Malcolm Hill ang game sa five-minute extra period sa walang kabang pagbuslo sa tatlong pressured free throws 0.6 seconds sa regulation para itabla ang score sa 95-all.

Si Japeth Aguilar ang ang naka-foul kay Hill na bumitaw ng three-pointer at abante ang Gin Kings 95-92.

Bumawi si Japeth sa follow-up sa missed basket ni Justin Brownlee sa paupos na segundo sa OT at naitakbo ng Ginebra ang panalo para umabante sa playoffs.

Tinalo ng Ginebra-Star OT game ang Game 2 ng Philippine Cup Finals ng San Miguel Beer-Ginebra na itinagay ng Gin Kings sa OT din 124-118, Commissioner’s Cup Game 3 semis ng SMB-Hotshots na pinagwagian ng Beermen sa gun-bea­ting 3 ni Marcio Lassiter 111-110, at Phoenix Alaska Governors’ Cup elims na nadale ng Fuel Masters sa basket sa buzzer ni import Eugene Phelps 95-93.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?