26

By

Manila city gov’t, suko na sa mga palaboy

Sharing is caring!

Aminado ang Manila Social Welfare Department na mahirap kontrolin ang mga nagkalat na street dweller sa kahabaan ng baywalk sa Roxas Boulevard sa Manila Bay.

Ang pahayag ni MSWD Chief Nanette Tanyag , ay sa gitna na rin nang pagbabalik ng mga nagkalat na idibiduwal at mga kabataan sa nabanggit na lugar na ginawa na rin nilang tirahan, matapos ang ASEAN summit.

Iginiit ni Tanyag na pinakamahirap na kontrolin ang mga street dweller lalo na yaong mga galing sa Southern Luzon na umaasa aniyang makakita ng trabaho dito sa Maynila.

Idinagdag din ni Tanyag na kaya naging malinis sa mga nagkalat na pamilya at illegal vendors ang baywalk ay dahil kusa na silang umalis sa lugar nang malaman umano na may magaganap na pagpupulong ang ASEAN leaders.

Itinanggi ng opisyal na pinalayas o itinago ang mga palaboy bago ang ASEAN summit lalo na at wala aniyang lugar na maaari silang itago.

Sa ngayon aniya ay patuloy ang pagtulong ng MSWD sa mga palaboy lalo na yaong malalapit lamang ang mga lalawigan na kanilang hinahatid habang ibinibili na lamang nila ng ticker sa barko ang mga naninirahan sa malalayo gaya ng Visaya at Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?