71

Oct 16, 2017 @ 18:21

Manila Bishop kay Duterte: ‘Wag matakot sa destabilisasyon

Walang dapat ikatakot ang gobyerno sa mga ugong ng destabilisasyon kung maayos naman nitong nagagampanan ang kanilang trabaho.

Ito ang iginiit ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa gitna ng mga ulat na may mga nagbabalak umanong patalsikin ang administrasyong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“If they do not do their work well then they should fear the dissatisfaction of the people,” paliwanag ni Pabillo.

Partikular ding binanggit ni Pabillo ang diumano’y kabiguan ng gobyerno na lutasin ang mga kaso ng mga pagpatay sa mga teenager na resulta ng kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

“Why don’t they solve the teenage killings when they have the police and the intelligence fund?” giit ni Pabillo.

Idinagdag pa ng obispo na dapat mamahala ang adminitrasyon sa pamamagitan ng paggagawad ng tunay na katarungan at hindi sa paggamit ng magagaspang na salita.

Nilinaw naman ni Pabillo na wala siyang nalalaman na impormasyon tungkol sa alinmang destabilization plot. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?