Nakiisa ang maraming tao sa paglilinis ng Manila Bay, ito ay matapos manawagan si MMDA Chairman Danilo Lim sa publiko ng mga nais mag-volunteer.
Matatandaang idiniin ni Lim na malaki ang importansya ng waste segregation sa pagiging malinis ng mga estero at ng drainage system, at nanawagan noong Sabado sa mga nais tumulong sa MMDA para malinis at maibalik ang dating ganda ng Manila Bay.
Kanina lamang ay pinangunahan ni DENR Sec. Roy Cimatu, DILG Sec. Berna Puyat, DPWH Sec. Mark Villar, at mga opisyales ng DENR ang Solidarity Walk, hudyat ng paglulunsad ng Manila Bay rehabilitation.
DENR Sec Cimatu, DILG Sec Ano, DOT Sec Puyat, DPWH Sec Villar, & DENR officials lead the Solidarity Walk to officially launch the Manila Bay rehabilitation. #BattleforManilaBay #SaveManilaBay #ManilaBayanihan pic.twitter.com/VNolkRb98P
— DENR (@DENROfficial) January 27, 2019
Samantala, nakiisa rin ang mga taga-Pampanga sa paglilinis ng Manila Bay.
HAPPENING NOW: Launch of the massive clean up and rehabilitation of Manila Bay at Brgy.Sta Filomena, Guagua, Pampanga#ManilaBayanihan#SaveManilaBay#OneForManilaBay pic.twitter.com/ti470YCsFW
— PIA Gitnang Luzon (@PIA_RIII) January 27, 2019