60

By

Manila Bay rehab, aabutin ng 7 taon – DENR usec

Aabutin umano ng pitong taon ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda sa report ng Inquirer, gagastos din ng nasa P47 bilyon pa rito.

Pero ayon kay Antiporda, makikita na ang malaking pagbabago rito sa loob lang ng isa o dalawang buwan.

Aniya, imposible raw na agad-agad matapos ang paglilinis sa Manila Bay sa isang taon o dalawang taon dahil sa lawak na ng kontaminasyon ng dagat.

Sa ngayon umano ay target muna nilang mapigilan na madagdagan pa ang kontaminasyon ng Manila Bay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?