27

Oct 20, 2021 @ 20:07
By

Manila Bay na pwede paliguan asam ng DENR

Target umano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maging ligtas para paliguan ang Manila Bay bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Ayon kay DENR spokesperson Benny Antiporda, hindi sila nangangarap ng gising dahil papalapit na ang pagkakaroon ng malinis na Manila Bay.

“Kaunti na lang po. Actually, nakikita ng ating Kalihim na ipinipilit na bago matapos ang administrasyong ito ay maging swimmable na ang area na ‘yan,” wika ni Antiporda.

Malaki na rin daw ang ibinaba ng fecal coliform level sa baybayin.

Parte ng pagbuhay sa Manila Bay ay ang pagbuo sa artipisyal na Dolomite beach na dinarayo ngayon ng publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?