112

Feb 20, 2020 @ 17:42
By

Manila bagsak sa DILG good financial housekeeping, Isko sumagot

Sa 17 munisipalidad sa Metro Manila, tanging ang capital city na Manila lang ang hindi nakasama sa Good Financial Housekeeping passer ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong 2019.

Ang nasabing listahan ay nilabas ng DILG noong February 14 kung saan 184 sa 1,706 na siyudad at munisipalidad ang bagsak sa standard ng DILG.

Ginamit ng DILG ang ilang criteria tulad ng kung qualified ba ang naturang siyudad sa Commission on Audit Audit Opinion sa taong 2017 o 2018; pagsunod sa full disclosure policy, kung saan kasama ang pag-post ng mga financial document sa FDP portal para sa lahat ng quarter ng 2018 at first quarter ng 2019.

Sumagot naman si Manila Mayor Isko Moreno sa pagkakatanggal ng kanyang pinamumunuang lungsod sa listahan ng DILG.

Ayon kay Moreno, kanya nang inaasahan ang hindi pagsama ng Maynila sa nasabing listahan, ito’y dahil umano sa hindi pagsunod ng nakaraang administrasyon sa paglalahad ng mga financial document ng local government.

Pinangako naman ni Isko na kanyang babantayan ang pagkukulang at aayusin ang kanilang lungsod hingil sa naturang isyu.

“This is an opportunity for us to do better, that we will not tolerate this kind of dismal performance. It’s not happening under my watch,” ayon kay Moreno.

“Thank you for all those who are concerned with the City of Manila’s performance. We promise to do better under our administration.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?