26

Jan 5, 2022 @ 11:25
By

Manila archdiocese: 5 simbahan pansamantalang isinara dahil sa Covid

Pansamantalang isinara ang limang simbahan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM), ilang pari at empleyado rin ng simbahan ang nagpositibo sa Coronavirus.

Dagdag pa riyan, ito rin ay magbibigay-daan sa mga simbahan upang linisin, i-sanitize at i-disinfect ang paligid ng mga parokya.

Bagama’t ginawa ang pagsasara ng mga parokya dahil sa COVID, tiniyak ng mga pari na tuloy ang online misa sa Facebook at YouTube page ng mga simbahan.

Ang limang simbahan ay ang: National Shrine of St. Jude Thaddeus, National Shrine of Our Lady of Guadalupe, Santa Maria Goretti Parish, St. Anthony of Padua, at San Roque de Sampaloc Parish. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?