590

Jan 31, 2019 @ 11:30
By

Manigas kayo! Pelicans ayaw ma-trade si Davis sa Lakers

Kung ngayon balak ilipat ng New Orleans Pelicans si Anthony Davis, posibleng mapurnada ang pagsasama nila ng four-time NBA MVP na si LeBron James sa Los Angeles Lakers.

Ayon kay ESPN NBA insider Adrian Wojnarowski, sa ngayon ay walang balak ang Pelicans na i-trade si Davis sa LA-based team.

Ito’y kahit pa ayon sa agent ni Davis na si Rich Paul na nais magpatapon ng alaga sa Los Angeles Lakers.

Ngunit kung titingnan isa ang Lakers sa may mga piyesa upang makakuha ng matitinong asset ang Pelicans.

Ilan sa mga posibleng pakawalan ng Los Angeles ay sina Lonzo Ball, Kyle Kuzma, Brandon Ingram at ilan pang draft picks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?