42

Oct 25, 2021 @ 13:45
By

Manibela ng MPBL pinasa ni Pacquiao

Dahil sa pagiging busy ni Senador Manny Pacquiao ay iba na ang hahawak sa basketball operations ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ipinagkatiwala ni Pacquiao ang MPBL kay Ronald Mascariñas, presidente ng Chooks-to-Go nitong Linggo.

“I am elated to have this new partnership given that Chooks-to-Go is a very organized organization especially in basketball,” pahayag ni Pacquiao.

Ayon sa senador, maganda ang naging pamamalakad ng Chooks-to-Go sa mga inorganisa nitong 3×3 league kaya naman tiwala siya na maayos na mapangangasiwaan ni Mascariñas ang MPBL.

“I saw the world-class event of their one-day invitational league in San Fernando and I was impressed,” ani Pacquiao. “They are the only group in partnership with FIBA 3×3 in the country. With that, they basically know what they are doing.”

Noong 2019 nang magsimula bilang sponsor ng MPBL ang Chooks-To-Go.

Taong 2017 naman nang itaguyod ni Pacquiao ang nasabing liga na nagkaroon na ng tatlong season – Rajah, Datu at Lakan.

Si Pacquiao ay tatakbong pangulo sa 2022. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?