135

May 9, 2021 @ 16:04

Mangudadatu kinondena paglusob ng BIFF kasabay ng Ramadan

Hindi nagustuhan ni Maguindanao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ang pag-atake ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Datu Paglas noong Sabado.

Sinabi ni Mangudadatu na ang pag-atake ng BIFF sa “banal na panahon ng Ramadhan ay patunay lamang na walang kinikilala o pinangingilagang Diyos ang mga terorista.”

Mabuti na lamang umano at walang sibilyang nasaktan o hinostage ng mga terorista.

“We are only thankful that no one was used as hostage or hurt when the two groups briefly exchanged fires,” sabi ni Mangudadatu.

Nakipag-ugnayan si Mangudadatu at kanyang pamilya sa mga awtoridad upang maibigay ang kinakailangang tulong ng mga ito sa pagpapaalis sa mga miyembro ng BIFF na panandaliang inokupa ang isang palengke sa bayan.

“Any act of terrorism in the guise of religion, will not succeed in undermining our foundations, traditions and democratic culture. Putulin na natin ang galit at paghihiganti. There are many ways we can reaffirm our commitment to our beliefs and values without resorting to violence and unrest,” dagdag pa ng solon.

Ikinalungkot naman ni Mangudadatu na mayroong mga miyembro ang BIFF na ang edad ay 15-anyos.

“They are carrying firearms when they should be in school. Marami sa kabataan natin ang nauuwi sa ganitong marahas na buhay dahil marahil ang kanilang mga ama ay dati ding miyembro ng mga ganitong grupo na nasawi din sa isang engkwentro tulad nito,” wika pa ni Mangudadatu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?