By

Mangrobang umarangkada sa World Triathlon Team Project

Sharing is caring!

Nagtapos sa ika-5 puwesto si SEA Games gold medalist Kim Mangrobang sa Asian Triathlon Union-Sprint African Cup sa Yasmine Hammamet, Tunisia para sa World Triathlon Team Project.

Tanging kalahok mula sa Asia, nag-panglimang puwesto si Mangrobang mula sa 19 na papaangat na triathletes mula Europe.

Naorasan si Mangrobang ng 1 oras, 5 minuto at 42 segundo, may 1 minuto at 16 segundong napag-iwanan sa nagwagi ng gold na si Nina Eim ng Germany. Pangalawa si Therese Feuersinger ng Austria habang ikatlo at ikaapat sina Antoanela Manac ng Romania at Allesia Orla ng Italy.

Sinabi ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tom Carrasco na dahil sa magandang pagtatapos ay napabilang si Mangrobang sa mga miyembro ng Asics World Triathlon Team na irerepresenta ang Asia habang pinataas pa nito ang tsansa at pagkakataon na makapagkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics.

Makakasama nito ang walong ibang papaangat na atleta mula Central America at Europe sa International Triathlon Union (ITU) Project na nakatuon sa pagbibigay suporta, resources at expertise sa mga nagdedebelop na pederasyon na may potensiyal na lumahok sa World Cup at makuwalipika sa Tokyo Olympics. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?