58

By

Mangkhut lipat sa Hong Kong, Signal No. 10 itinaas

Sharing is caring!

Binabayo ngayon ng bagyong Mangkhut ang Hong Kong matapos manalasa sa Pilipinas nitong Sabado, Setyembre 15.

Ayon kay Consul General Antonio Morales, nakataas ngayon doon ang typhoon signal number 10 (T10) dahil sa tindi ng lakas ng hangin.

Naabisuhan na ang Filipino roon na mag-ingat at huwag lumabas.

Nasa 227,000 ang mga OFW sa Hongkong at 200,000 sa kanila ang stay-in na household service worker.

Karaniwan silang nasa mga pasyalan at mga parke kapag ganitong araw ng Linggo dahil day-off.

“Naabisuhan na sila to stay indoors at ipagpaliban ang planong byahe o pasyal,” ayon kay Morales.

Hinikayat din ang mga Filipino roon na regular na mag-monitor ng lagay ng panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?