22

By

Mangingisda tinaniman ng bala sa ulo

May tama ng bala sa ulo ang isang mangingisdang natagpuang wala nang buhay sa isang barkong pangisda, kamakalawa ng Navotas City.

Nakaluhod at duguan nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Rene Liman, 39-anyos, residente ng Barangay North Bay Boulevard South.

Ayon sa Navotas Police, isang mangingisdang si Roger Gipitan ang nagpaalam sa kanila na nakita niya ang bangkay ng biktima sa isang barkong nakadaong sa Pier 4.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktima kaya’t pinapalagay na ito ay tinumba.

Nabatid na ginagawang drug den ang nasabing barko at doon nagaganap ang transaksyon ng droga sa nasabing lugar.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Navotas Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?