21

By

Mangingisda pinatay nang walang dahilan sa Puerto Princesa

Pinagbabaril at napatay ang isang fisherman sa Puerto Princesa City sa Palawan noong Biyernes.

Ayon sa initial report, nag-iinuman ang suspek na si Glenn Ibarra, 47, sa isang nipa hut sa baybaying dagat kasama ang isang Reynaldo Baculinao at tatay na si Ricardo Baculinao Sr., ang may-ari ng hut.

Dumating ang biktimang si Bobby Molina, 45, sakay ng motorized boat at humimpil sa baybayin.

Tinawag siya ni Ricardo para bumili sa kanya ng isda dakong alas-4:30 ng hapon sa Purok Kapalaran, Barangay Luzviminda.

Matapos i-deliver ng biktima ang isda, pabalik na sana siya ng kanyang bangka nang bigla siyang barilin ng maraming beses ni Ibarra kung saan tinamaan siya sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Namatay noon din si Molina.

Iniimbestigahan pa sa kasalukuyan ang motibo sa krimen habang nadakip si Ibarra, na maintenance technician ng National Power Corporation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?