59

Aug 6, 2021 @ 12:27
By

Manggagamit ng Pinoy! Nas Daily pinutakte ng batikos

Number one trending topic ngayon sa social media ang Israeli vlogger na si Nuseir Yassin, o mas kilala bilang Nas Daily, dahil sa umano’y kabalastugan na ginawa nito. Nagtatag kasi siya ng Whang Od Academy nang walang pahintulot ni Kalinga tattoo legend Apo Whang-Od.

Kasunod nito, nalagasan umano ng mahigit 20 milyong followers ang vlogger dahil sa kumakalat niyang isyu.

Mula 40 milyon followers noong Hunyo, kasalakuyan na lang itong nasa 20 milyon.

Marami ring netizen ang nagpahayag ng pagkadismaya sa vlogger dahil naloko umano sila ng magagandang content at storya nito na ipinapakita online.

Kuwento ni Louise Mabulo, isang Pinay entrepreneur, lumipad mula Singapore patungong Pilipinas si Nas upang itampok ang kanyang storya at kung paano raw siya nakatulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng kanyang Cacao Project.

“In 2019, Nas Daily had come to my town to cover my story on The Cacao Project. [I] was disappointed to learn that the man I’d looked up to for years was not the bearer of good news he’d misled his followers to believe he was,” saad niya sa kanyang Facebook post.

“[I] watched him imitate and mock the local accent and language. He said no one wants to hear about farmers or farms, it’s not clickable viewable content. He didn’t care about making change or shedding light on real issues— he only wanted content, a good, easy story to tell that would get him more Filipino views,” paghihimutok pa niya.

Ayon naman sa ibang netizen, “gahaman” ang Israeli vlogger dahil sa makailang beses nang paggamit niya sa mga Pilipino at komunidad nito.

Kasalukuyang tinanggal na ni Nas ang Whang Od Academy sa kanyang website.

Sa naturang program, kinakailangan magbayad ng P750 nang indibidwal na nais matuto patungkol sa tradisyon ng “Pambabatok” sa Kalinga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?