11

By

Manganti gigil nang maputol ang sumpa ng La Salle

Sharing is caring!

Halos maluha-luha sina Sean Manganti at Jerrick Ahanmisi nang makausap sila ng press.

Ito ay matapos silang manggaling mula sa 78-79 na pagkatalo laban sa La Salle nitong Sabado sa Mall of Asia Arena.

Ang masakit pa rito – hindi pa nila natatalo ang La Salle sa pito nilang laro simula nang hawakan ni head coach Franz Pumaren ang Adamson noong 2016.

“We should’ve won, obviously, but, it was just little mistakes that we made toward the end that we shouldn’t have made,” paliwanag ni Ahanmisi.

Lamang ang Soaring Falcons ng limang puntos, hangga’t sa pumukol ng tres si Santi Santillan at bumitaw ng floater si Aljun Melecio upang puwersahin sa overtime ang laro.

Pagkatapos noon, hindi na nakabangon pang muli ang Adamson kahit na anong gawing pagsalba nina Ahanmisi at Manganti.

“We really shot ourselves in the foot. We lost that game,” sabi ng team captain na si Manganti. “La Salle didn’t beat us. We beat ourselves,”

Sa kabutihang palad, may pagkakataon ang Adamson na makaganti kontra La Salle sa second round, kung kaya’t gigil ang koponan ng Soaring Falcons na maka-isa sa Archers.

“I wanna beat them so bad. They’re number one on my list, I think they know that. This one hurts, but the only positive that came out is it’s only the first round,” diin ni Manganti.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?