50

By

Mangangatay ng baboy, niratrat ng riding-in-tandem

Sharing is caring!

Binistay ng bala ng baril ng riding-in tandem ang isang mangangatay ng baboy habang nakikipagkwentuhan sa dalawang kumpare niya na kapwa sugatan din sa harap ng tindahan ng lechon sa Quezon City.

Ang biktimang si Albert Gaban Palen, 23-anyos, butcher, at residente ng No. 9 N.S. Amoranto corner Calavite St., Laloma, ay namatay noon din sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Chinese General Hospital ang dalawang kumpare ng biktima na nakilalang sina Marlon Martinez, 42, butcher, ng No. 88 Calavite St., Laloma at Ayque Marados, 24, ng 1748 Ibarra St., Sampaloc Maynila.

Si Martinez ay nagtamo ng dalawang tama ng di pa malamang kalibre ng baril sa dibdib habang si Marados ay tinamaan naman ng bala sa likod at kaliwang dibdib.

Batay sa inisyal na report kay La Loma Police Station (PS-1) commander PSupt Robert Sales, ang pamamaril ay naganap dakong alas-9:00 ng gabi (October 11) sa harap ng Bulakenas Lechon sa Blumentrit ext., cor. N.S. Amoranto, Brgy. Salvacion ng nasabing lungsod.

Lumabas lamang umano sina Palen, Martinez at Marados sa kanilang pinagtatrabahuhang litsunan upang magpahangin at habang nagkukwentuhan ay biglang huminto sa harapan nila ang isang motorsiklo na walang plaka, bumunot ng baril ang naka-angkas na lalaki at pinaputukan ang mga biktima.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen upang makilala ang mga nakatakas na salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?