30

Oct 5, 2021 @ 16:09
By

Mang Tani happy sa paglipat ni Kuya Kim: You will enjoy Kapuso network

Kahit na ipinag-face off ng mga netizen online sina Kuya Kim at Mang Tani, tila wala pa ring namuong bad blood sa pagitan ng dalawa.

Sa katunayan, magkumpadre na sila kahit noong panahong hindi pa sila sikat.

Nito lamang Lunes nang pormal nang salubungin ng Kapuso network maging ng news anchors ng 24 Oras si bagong Kapuso Kuya Kim.

“Isang malaking karangalan na mapunta ako sa Kapuso Network,” wika ni Kuya Kim.

“Nothing happens by accident. I was given this opportunity by GMA-7 and I intend to make the most out of this opportunity,” pagpapatuloy niya.

Kaugnay nito, may segue na pagbati naman si Mang Tani sa kapuwa niya weatherman.

“Hi, pwede na kitang tawagin ngayong Kapusong Kuya Kim. Welcome,” sambit niya sa isang video message.

“Natatandaan mo ba ‘yung matagal na matagal na panahon na magsisimula ka sa bagong trabaho mo no’n at ako naman ay nasa PAGASA? Matagal na ‘yon pero ngayon, magkakasama na tayong dalawa.”

“Defnitely, you will enjoy itong Kapuso network. Kapusong Kuya Kim, welcome!” sey niya.

Ayon sa ulat, kasalukuyang nasa Australia si Mang Tani kasama ang kanyang pamilya.

Matatandaang pinagsabong dalawa sa online world matapos matunugan ang paglipat ng Matanglawin host sa Siyete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?