831

Oct 12, 2017 @ 17:34

‘Mang Kanor’ timbog sa Makati

Natuldukan  na ang pangmomolestiya ng isang 71-anyos na negosyante sa mga high school students  sa Makati City nang maaresto ito sa isang entrapment operation sa isang condominkum unit sa lungsod kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Police Sr. Supt. Jerry Umayao, Makati police chief, dahil kumakalat sa social media ang mga malalaswang larawan ng 15-anyos na biktima ay na-bully na ito sa kanilang eskuwelahan.

Nang malaman ito ng ina ng dalagita ay kinompronta ang anak, na umamin na rin sa kakaibang ‘sideline’ kayat dumulog na ang mag ina sa Makati City police, na agad nag-plano para bitagin ang suspek na si Elias Cosme, ng Barangay Poblacion, sa lungsod.

Kamakalawa, alas-4:30 ng hapon ay sinundan ng mga pulis ang dalagita sa tagpuan nila ni Cosme sa 36F One Central Condominium sa Gil Puyat Avenue, Salcedo Village.

Sinabi pa ni Umayao na hindi bababa sa 10 high school students ang nabiktima na ng suspek, na president ng isang kompaniya.

Dagdag pa ng opisyal, isang 14-anyos na babae ang nagsisilbing bugaw ng suspek.

“Binabayaran niya ng P1,000 ang mga bata at P500 sa bugaw na dalagita. Bukod pa ito sa P1,000 kapag ginalaw niya ang bugaw. Galing sa ibat ibang schools ang mga biktima niya,” ani Umayao.

Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 7610  (Special Protection Against Child Abuse) si Cosme. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?