74

Feb 17, 2020 @ 15:25
By

Mang-aagaw ng lupa! 2 DAR exec pinasisibak ng magsasaka

Sumugod sa press conference ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang isang nagngangalang Dennis Ilagan at hinayag na inaagaw ang 78 ektaryang lupa nilang mga magsasaka na may titulo naman.

Ipinaliwanag ni Ilagan na mali ang ginagawa nina DAR Legal Affairs Office Usec. Luis Pangulayan at DAR Field Operations Office Usec. Homer Tobias dahil wala sila umanong mga paglabag ngunit pinagpapasahan sila ng Usec sa kanilang kaso.

“Kahapon ko pa po sinasabi kay Usec, inilalaglag mo ang mga magsasaka. Magkano ang kinita mo para magpakatanga ka? Mali po ang ginawa, lalo si Homer siya po ang task force at nagtuturuan sila ngayon,” daing ni Ilagan.

Dagdag pa nito na wala silang problema kay DAR Secretary John Castriciones at pinupuri pa ito dahil sa pagkakamit ng zero backlog sa pending cases ng ahensya.

Ito ay matapos inanunsyo na 100 porsiyento na ang nairesolbang kaso ng DAR na ipinatupad sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program na ilinunsad noong Enero 2019.

“Kaya nga I’m praising the secretary, backlog tama ‘yan. Wala kaming problema kay Sec, ang problema ‘yung undersecretary niya niluluto nila ‘yung mga kaso and mali po ‘yun,” sabi pa nito.

Hinihiling ni Ilagan na patalsikin ang dalawang Usec na nabanggit sa kanilang mga posisyon, kung hindi ay sa Presidente sila magsusumbong.

“And I will stand kahit saang forum and I will challenge him si Usec sa isang debate kung gusto niya and even si Homer, they should resign from their posts, di sila pwede sa DAR. Dapat sila ‘yung tumutulong sa mga tao, hindi sila ‘yung nanlalaglag sa mga tao,” sabi ni Ilagan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?