20

Feb 24, 2021 @ 9:57

Mandy Moore nanganak na!

Isinilang na ni Mandy Moore ang anak nila ng mister na si Taylor Goldsmith.

Sa Instagram post ngayong araw, binahagi ng 36-anyos na American singer-actress ang larawan ni baby August.

“Gus is here,” caption ng “Only Hope” hitmaker kasunod ang mga emoji ng asul na puso.

“Our sweet boy, August Harrison Goldsmith. He was punctual and arrived right on his due date, much to the delight of his parents.”

“We were prepared to fall in love in all sorts of brand new ways, but it goes beyond anything we could have ever imagined,” sey niya pa.

Kinasal si Mandy kay Taylor, 35-anyos na frontman ng American band na Dawes, noong Nobyembre 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?