39

Sep 25, 2020 @ 21:21
By

Mandy Moore buntis na!

Magkakaroon na ng anak si Mandy Moore at mister niyang si American band Dawes frontman Taylor Goldsmith.

Sa Instagram post nitong Biyernes, binahagi ng singer-actress ang good news.

Makikita sa larawan habang hawak ni Taylor ang baby bump ng misis.

Sinabi rin ni Mandy na lalaki ang kanilang first child.

“Baby Boy Goldsmith coming early 2021,” sambit ni Mandy.

Kinasal sina Mandy at Taylor noong November 2018.

View this post on Instagram

Baby Boy Goldsmith coming early 2021 💙

A post shared by Mandy Moore (@mandymooremm) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: