69

May 8, 2019 @ 19:02
By

Mandaue City, ganap nang lone legislative district

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbubuo sa lone legislative district ng Mandaue City, Cebu.

Pinirmahan ang Republic Act. No. 11257 noong Abril 5 pero inilabas ang kopya nito lang Mayo 8.

Ang batas ang naghihiwalay sa Mandaue City mula sa anim na legislative district ng Cebu.

Maglalabas umano ang Comelec ng kinakailangang rules at regulations sa implementasyon ng bagong batas sa loob ng 30 araw matapos itong maging epektibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?