158

Dec 29, 2017 @ 15:12

Mandaue City Councilor Jun Cortes, pumanaw na

Pumanaw sa edad na 67 si Mandaue City Councilor Demetrio ‘Jun’ Cortes Jr. sa Chong Hua Hospital-Mandaue dahil sa chronic kidney disease.

Alas-4:34 kahapon, Huwebes binawian ng buhay ang konsehal ng Mandaue na nakatatandang kapatid ni Cebu 6th District Rep. Jonas Cortes, ayon sa SunStar.

Ang burol ay ilalagak umano sa ancestral house ng pamilya Cortes sa Barangay Centro, ayon sa kamag-anak na si Mandaue Councilor Carmelino Cortes del Mar Jr.

Enero 13 ang libing nito sa Mandaue Catholic Cemetery.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?