1,251

Dec 6, 2021 @ 17:43
By

Mandatory SIM card registration pasado na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang mandatory SIM card registration.

Sa botong 181 pabor, at anim na tutol, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 5793 sa sesyon ng plenaryo ngayong Lunes.

Sa ilalim ng panukala, isang sistema ng Sale and Registration ng SIM card ang itatayo. Ang mga datos na makukuha ng mga telecommunication company at mga nagbebenta ng SIM card ay ibibigay sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Mayroong confidentiality cause ang panukala at maaari lamang makuha ang impormasyon ng pagrerehistro kung mayroong subpoena o request ang otoridad maresolba ang isang krimen.

Ang telecommunication company na lalabag ay pagmumultahin ng P300,000 hanggang P1 milyon.

Ang mga nagbebenta ng SIM card ay pagmumultahin naman ng P5,000 hanggang P50,000 kapag lumabag.

Layunin ng panukala na matulungan ang mga alagad ng batas na malutas ang mga krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?