100

Apr 8, 2019 @ 17:49
By

Mandatory ROTC target simulan sa susunod na school year

Posibleng umarangkada ang two-year pilot implementation ng mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga senior high school sa susunod na school year.

Ito’y matapos makalusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara noong Pebrero ang panukalang layon na buhayin ang mandatory ROTC.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Education, sinabi ni Armed Forces of the Philippines commander Brigade General Rolando Rodil, na mayroon nang draft ng memorandum of agreement para sa implementasyon nito.

Nagawa na rin aniya ng Department of National Defense at Department of Education ang joint curriculum para sa two-year pilot implementation ng proposed mandatory ROTC, na tatawaging Advance Citizen Training Program (ACTP) para sa mga Grades 11 at 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?