101

Dec 8, 2017 @ 19:16
By

Mandatory ROTC, muling iginiit ng DND

Iginiit muli ng Department of National Defense (DND) na importante ang reserve force lalo na sa panahong ito na nananatili ang banta ng terorista sa bansa kaya dapat na gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps o ROTC.

Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, na sinabi mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mahalagang maiangat ang kapabilidad ng reserve force lalo’t nahaharap ang bansa sa Complex Security Environment.

“You will recall that in the first SONA of the President, he mentioned that he would like to revive the mandatory ROTC program and in following his guidance, the secretary has stated that in view of what he said, it is important to develop our reserved force because we are now facing a complex security environment,” sabi ni Andolong.

Bukod sa pagpapaangat ng kakayanan ng reserve force, napakahalaga rin daw ang magiging role ng reserve force sa pagsasagawa ng Humanitarian Assistance Disaster Response o HADR.
Ginawa ni Andolong ang pahayag matapos ang isinagawang National ROTC Summit and Senior Reservist Leaders Forum 2017 sa Camp Aguinaldo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?