25

By

Mandatory PhilHealth coverage sa mga PWD, lusot na sa Kamara

Sharing is caring!

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas para sa awtomatikong PhilHealth coverage ng mga may kapansanan sa buong bansa.

Sa botong 204, nagkakaisang inaprubahan ng mga kongresista ang House Bill 8014 na naglalayong amyemdahan ang Magna Carta for Persons with Disability (PWDs).

Kapag tuluyang naisabatas, ang pondo para sa pagbibigay ng Philhealth coverage sa mg PWD ay magmumula sa National Health Insurance Fund ng Philhealth na galing naman sa sin taxes.

Ayon kay Nueva Ecija Rep. Micaela Violago, pangunahing may-akda ng panukala, napapanahon nang maisama ang vulnerable sector ng PWD sa PhilHealth dahil nasa 1.6 na milyong Filipino ang may kapansanan at nangangailangan ng ayuda.

“Evidence also suggests that people with disabilities face barriers in accessing the health and rehabilitation services they need in many settings. This should not be the case,” ani Violago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?