21

Jun 23, 2022 @ 15:15
By

Mandatory na pagsuot ng face mask nais palawigin ni Duque

Isinusulong ng kalihim ng Department of Health (DOH) na si Francisco Duque III ang pagpapalawig ng pasusuot ng face mask.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga nagkakaka-COVID-19 sa bansa.

“Well, kung ako tatanunginFrancisco Duque III mo, I will recommend that it should be extended because there’s already an increasing number of cases,” pahayag ni Duque.

Aniya, hindi lang Coronavirus ang maaiiwasan sa pagsusuot ng facemask kung hindi pati ang sakit gaya ng monkeypox, influenza, bacterial pneumonia at iba pa.

Samantala, nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili ang kanyang utos na pagsuot ng facemask hanggang matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?