40

Oct 7, 2021 @ 15:48
By

Mandatory na pagpapatugtog ng OPM umusad sa Kamara

Inendorso ng House Committee on Tourism sa plenaryo ang pag-apruba sa panukala upang maging mandatory ang pagpapatugtog ng musikang Pilipino sa mga hotel, resort, eroplano, restaurant at tourist bus.

Sa ilalim ng House Bill 10305, dapat ay Philippine music ang 50% ng mga kanta na patutugtugin sa mga eroplano paglapag sa bansa. Ang mga hindi susunod ay pagmumultahin ng P300,000 bawat paglabag.

Ang mga tourist bus naman ay dapat maghanda ng playlist kung saan 50% ng kanta ay Philippine music. Patutugtugin ito habang bumibiyahe ang mga turista. Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P50,000 sa bawat paglabag.

Ang mga hotel, resort, at restaurant ay dapat ding maghanda ng playlist kung saan 25% ng mga kanta ay Philippine music. Ito ay patutugtugin nila sa kanilang pipe-in sound. Ang
mga lalabag ay pagmumultahin ng P20,000 bawat paglabag. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?