94

By

Mandatory drug testing sa mga barangay, SK bawal – Comelec

Sharing is caring!

Walang kapangyarihan ang Commission on Elections (Comelec) na obligahin ang mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na sumailalim sa drug test.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ginawa nila ito dati pero pinigil sila ng Korte Suprema.

Mayroon aniyang dating probisyon sa Dangerous Drugs Act kung saan nakasaad ang mandatory drug testing sa mga lokal na kandidato.

Gayunman, kinuwestiyon ito sa Korte Suprema at kalaunan ay idineklarang unconstitutional dahil hindi nito dapat na pinapalawig ang eligibility ng mga kandidato sa pagka-senador na nakalagay sa Saligang Batas.

Nadamay na rin sa naging desisyon ng Supreme Court ang lahat ng posisyon, national o lokal man.

Sa ngayon ang pinagbabasehan nilang batas sa Barangay at SK elections ay ang Local Government Code kung saan walang binabanggit na mandatory drug testing.

Bagamat suportado nila aniya ang drug testing na gustong ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) tali ang kanilang kamay sa implementasyom nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?