33

By

Mandatory coverage ng SSS sa mga OFW, seaman isasabatas na

Sharing is caring!

Gagawin nang obligado ang pagsapi ng mga overseas Filipino worker (OFW) at seaman sa Social Security System (SSS).

Batay ito sa inaprubahan ng Senado at Kamara na Senate Bill 1753 kung saan inaamyendahan ang kasalukuyang charter ng ahensya.

Ayon kay Senador Richard Gordon, maaari nitong mapaabot sa 2.5 milyon ang mga OFW at seaman na kasapi ng SSS mula sa kalahating milyon lamang ngayon.

Sa panukala, magiging kasapi ang mga ito basta’t wala pang 60-taong gulang.

Ang Department of Foreign Affairs (DFA), ang Department of Labor and Employment (DOLE) at mga embahada ang makikipag-ugnayan ara masiguro ang kuleksyon ng kanilang kontribusyon sa SSS.

Samantala, sa pagsusulong ni Senador Ralph Recto, nakapaloob din sa panukala ang ‘endo’ insurance.

Kapag nawalan ng trabaho, dalawang buwan itong bibigyan ng SSS ng ayuda na katumbas ng kalahating buwan ng average nitong monthly salary.

Bahagi ang mga nabanggit ng pagbabago ng charter ng SSS.

Kabilang din dito ang atas na mula sa law, finance, management at insurance profession ang lahat ng uupo sa SSS Board.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?