74

By

Mandaluyong mayor, iisa pa sa ‘Tiger City’

Sharing is caring!

Maagang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) si Mandaluyong Mayor Carmelita ‘Menchie’ Abalos bilang alkalde ng siyudad para sa kanyang ikalawang termino ng panunungkulan sa binansagang ‘Tiger City’.

Bandang alas-otso ng umaga ay dumalo muna sa isang misa si Mayora kasama ang ilang kandidado at pagkatapos ng misa ay sinamahan siya ng kanyang libu-libong supporter na nagtungo sa Comelec para mag-file ng COC.

Suportado si Mayora ng kanyang asawang si dating alkalde Benhur Abalos na malaki pa rin ang pagmamahal sa kanilang siyudad.

Kasama ni Mayor Abalos sa pag-file ng COC ang kanyang Vice Mayor na si Anthony Suva at mga konsehal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?