25

Jun 17, 2020 @ 21:33
By

Mandaluyong, may bagong curfew

Iniksian na rin ng Mandaluyong City ang kanilang curfew hours.

Sa City Ordinance No. 783 na nilagdaan ni Mandaluyong Mayor Carmencita Abalos nitong Miyerkoles, ginawa nang 10PM hanggang 5AM ang curfew sa lungsod dahil sa posibilidad na makauwi nang late ang mga residente dahil sa limitadong transportasyon.

Dating mula 8PM hanggang 5AM ang ipinatutupad na curfew sa Mandaluyong.

Nauna nang nagpatupad ng 10PM-5AM curfew hours ang Quezon City at Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?