11

Feb 5, 2021 @ 16:16
By

Mandaluyong magbabahay-bahay sa pagbakuna kontra COVID-19

Pupuntahan na lamang sa bahay ang mga residente sa Mandaluyong na bedridden upang mabakunahan laban sa coronavirus disease.

Ayon sa ulat, batay umano ito sa utos ni Mayor Menchie Abalos sa kooperasyon sa mga doktor sa health center at naka-schedule ito.

Magbabahay-bahay din ang local government sa profiling ng mga residente na babakunahan.

Nasa 22,302 residente na rin umano ang nagpa-pre register para maturukan ng COVID-19 vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?