21

Aug 20, 2021 @ 12:21
By

Mandaluyong babakunahan mga dayo

Tatanggapin na sa mga vaccination site sa Mandaluyong City ang mga hindi taga-roon, ayon sa anunsyo ng Public Information Office ng lungsod nitong Biyernes.

Ayon sa PIO, ang mga nais magpaturok sa Mandaluyong ay dapat munang mag-register sa www.mandaluyong.gov.ph/vaccine/.

Bukod dito, pinaalala nila na bawal ang walk-in.

“Hintayin po ang tawag o text mula sa Mandavax call center kung saan, kailan, at anong oras kayo pupunta,” pahayag ng PIO.

“Huwag kalimutang magdala ng government o valid IDs,” dagdag pa nito.

Nauna nang ibinalita ng lungsod na nabakunahan na nila ang 70% ng kanilang populasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?