57

Aug 5, 2022 @ 19:09
By

Manay Lolit naiinip sa pagpapa-dialysis: ‘Pag nandito si Bea maaliw ako

Inip na inip na ang batikang kolumnista na si Lolit Solis sa kanyang pagpapa-dialysis.

Tuloy-tuloy kasi ang pagpapagamot ni Manay Lolit dahil sa kanyang karamdaman.

Sa Instagram, sinabi ni Manay Lolit na isang pagdurusa umano ang kanyang ginagawang gamutan dahil ito ay panghabang-buhay na.

“Talagang dusa ito, pero ano magagawa ko, ito ang desisyon ng mga doktor ko. At alam mo ba na heto daw ay gagawin ko na forever,” sey ni Manay Lolit.

Ngunit mas masaya umano siya kung kasama niya si Bea Alonzo.

Ito ay sa kadahilanang matitignan niya umanong malapitan ang wrinkles ng aktres.

“Naku, pag nandito si Bea Alonzo sure ako na maaliw ako, dahil titignan ko ng close up ang mga wrinkles sa face para malaman ko kung iyon nga ang cause ng ghosting hahaha,” pagbibiro pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?