0
views

By

Mañalac, 7 pang soft netters aabutin ang 1st Asiad medal

Sharing is caring!

HAMBALUSIN ang unang kahit na anong kulay na medalya!

Ito ang sigaw ng 8-katao pambansang koponan ng Pilipinas sa soft tennis na hahampas sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa parating ng Agosto 18-Setyembre 2.

Bubuo sa PHL women’s squad sina Noelle Conchita Corazon Mañalac, Princess Lorben Catindig, Odessa Mariel Arzaga, Jamaica Daquio at Khyshana Athena Hitosis, at sa men’s steam ay sina Joseph Arcilla, Noel Damian, Jr. at Mark Anthony Alcoseba.

Sina Giovanni Mamawal at Michael Enriquez ang mga coach ng koponan sa 16-araw na multi-sport meet na inaasahang lalahukan ng 48 bansa.

Naging official medal sport ang soft tennis sa quadrennial sportsfest na ito noong 1994 sa Hiroshima, Japan kung saan nagpadala na rin agad ang Philippine Soft Tennis Association na pinamumunuan ni Jeff Antonio Tamayo, Jr. ng lahok.

Sumali rin PH soft netters sa limang mga sumunod na edisyon ng Asiad sa Bangkok noong 1998, sa Busan noong 2002, sa Doha noong 2006, at sa Incheon nung 2014 pero hindi pa rin nakamadelya. Naging demonstration sport ito sa 1990 Beijing Asiad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?