116
Babaeng escort timbog sa panghuhuthot sa banyaga
Jun 5, 2019 @ 14:14
By

Manager nakipagsabwatan sa 3 pedicab driver, arestado

Kulungan ang bagsak ng isang area head manager matapos makipagsabwatan sa tatlong pedicab driver para pagnakawan ang pinagtatrabahuhang kumpanya sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Ruben Asdolo, 26, area head manager ng Don Benitos Cassava Cake, at residente ng France St., Green Heights Subd.; George Agbalog, 28; Jay Carag, Jr., 24; Romeo Panotes, 28, pawang mga pedicab driver at residente ng Balubad Settlement, Barangay Nangka ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Marikina acting chief of police PCol. Restituto Arcangel, nahaharap sa kasong qualified theft ang apat na suspek matapos umanong nakawin ang kita ng Don Benitos Cassava Cake na matatagpuan sa Lot 2A JP Rizal St., Barangay Concepcion Uno, Lunes ng madaling-araw.

Nag-report umano ang suspek na si Asdolo sa tanggapan ng Marikina City Police Station PCP-6 kaugnay sa nawawalang pera sa loob ng vault na nagkakahalaga ng P200,000 sa loob ng pinagtatrabahuhang tindahan.

Agad na nag-imbestiga ang mga tauhan ng PCP-6 kung saan nakita sa CCTV footage ang dalawang suspek na pumasok sa hindi naka-lock na gate at agad na lumabas dala ang maliit na vault na naglalaman ng nasabing halaga at isinakay sa gamit nilang pedicab na minaneho ng isa pang suspek.

Pinag-aralan umano ng pulisya kung paano nakapasok ang mga suspek at kung bakit hindi naka-lock ang gate kung saan nabatid na si Asdolo ang huling lumabas ng tindahan at nakitang hindi ni-lock ang gate.

Agad na naghinala ang pulisya na kasabwat ng tatlong pedicab driver ang area head manager na siyang nag-report na nawawala ang kinita ng cassava cake store.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina PNP detention cell at nahaharap sa kasong qualified theft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?