0
views

By

‘Man of Steel’ Henry Cavill takot nang makipaglandian

Sharing is caring!

Tampulan ngayon ng kritisismo si “Man of Steel” actor Henry Cavill dahil sa komento nito sa recent interview niya, kung saan sinabi niyang, ayaw na niyang mag-flirt dahil baka tawagin siyang rapist.

Kaugnay ito ng inilabas na interview sa kanya ng GQ Australia kung saan pinag-usapan ang hinggil sa sexual abuse scandal at #MeToo movement sa Hollywood.

Nang tanungin si Cavill hinggil dito, sinabi niyang, “There’s something wonderful about a man chasing a woman. There’s a traditional approach to that, which is nice.

“I think a woman should be wooed and chased, but maybe I’m old-fashioned for thinking that,” aniya.

“It’s very difficult to do that if there are certain rules in place. Because then it’s like: ‘Well, I don’t want to go up and talk to her, because I’m going to be called a rapist or something’,” sabi pa ng Superman lead.

Dagdag pa niya, nag-iingat na siya ngayon dahil nasa public eye siya at sakaling landiin niya ang isang babae, hindi niya alam kung ano ang mangyayari.

“Now you really can’t pursue someone further than, ‘No’. It’s like, ‘OK, cool’. But then there’s the, ‘Oh why’d you give up?’ And it’s like, ‘Well, because I didn’t want to go to jail?’” paliwanag pa niya.

Ilang Twitter user ang nagreak sa sinabing ito ni Cavill. Dapat umano itong humingi ng paumanhin habang ang iba ay nagsabing, “trying to make himself a victim” sa tinuran ng aktor.

Samantala, balik sa big screen ang 35-anyos na aktor ngayong buwan sa action thriller na Mission: Impossible – Fallout, kasama sina Tom Cruise at Rebecca Ferguson. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?