270

Mar 4, 2021 @ 15:31

Mambabatas sumalo ng Sinovac vaccine para sa anak niyang doktor, yari kay Galvez

Pinaiimbestigahan ngayon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang isang mambabatas sa Quezon City matapos nitong magpaturok umano ng Sinovac vaccine na dapat sana para sa kanyang anak na doktor.

“Wala pong directive na gano’n, mali po iyon. Lahat ng 1.7 [million] na frontliners muna sa ngayon. Wala po munang mga dependent. We are protecting the institutions. Kulang po tayo,” ani Galvez sa panayam ng dzBB.

Kaugnay ito sa isyu ni QC Rep. Angelina Tan na nagpabakuna umano bilang “substitue” sa kanyang anak na surgeon sa Veterans Memorial Medical Center.

Ayon sa ulat ng Inquirer, isa si Tan sa mga mambabatas na unang nabakunahan kontra COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Galvez ang mga opisyal na paunahin ang mga medical frontliner na silang nasa priority list ng bansa sa pagbabakuna kontra nasabing virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?